Ang sistema ng pagsulat ay umusbong noong kabihasang Sumerian. Napakahalaga ang pagsusulat sa atin. Noong unang panahon, ginagamit nila ang cuneiform, paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian. Naimbento ang cuneiform nang magsimulang magtala ang mga Sumerian ng kanilang labis na produkto mula sa pagsasaka. Ito’y napakahalaga sa kanila upang matala ng mga scribe na mga dalubhasa sa pagsusulat, ang mga batas ng lungsod estado, sa kalakalan, at sa mga panitikan ng Sumerian. Ito ay unang hakbang sa makabuluhang pamumuhay at madaling pamumuhay ng mga sinaunang Asyano hanggang ngayon. Ito’y mas pinaunlad at hanggang ngayon napakahalaga nito sa ating mga tao.
Ang sistema ng pagsulat ay napakahalaga sa ating mga tao
ngayong kasalukuyan. Ito’y hakbang sa edkuasyon, komyunikasyon, at pansariling
kagustuhan. Alam naman natin lahat na ngayo’y pinakakailangan ang pagsusulat sa
edukasyon. Ito ri’y ginagamit sa komyunikasyon sa mga taong magkalayo sa isa’t
isa. Sa pansariling kagustuhan naman ay, ginagamit ito sa pagpapahayag ng ating
damdamin. Isipin na lamang kung hindi naimbento ang sistema ng pagsusulat, ano
na kaya ang nangyari sa bawat isa sa atin. Anong klaseng buhay ang mayroon tayo
kung wala tayong edukasyon sa paraan ng pagsusulat. Napakahalaga ito sa mga
nagaaral, nagtratrabaho at iba pa. Ito ay palaging ginagamit at halos wala man
lang nagbibigay ng pasasalamat sa ating mga ninuno dahil sa pagiimbento nila ng
sistema ng pagsusulat. Dapat ito’y pahalagahan at dapat hindi lamang natin ito
itinuturing maliit kundi ginagamit natin ito sa tamang paraan at hindi sa
pakikipagaway o masamang bagay.
Wala ka ganong impormasyon tungkol sa pagsusulat dati
ReplyDeleteAno ang tawag sa pagsusulat natin ngayon ba?
ReplyDeleteano ang paraan ng pag gamit ng cuneiform?
ReplyDeleteAno ang pagkakaiba ng pagsulat noon at ngayon batay sa tema, estilo at elemento Ng dalawa.
ReplyDeleteSila ang sinasabing nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo
ReplyDeleteano ang tawag sa sistema ng pagsulat ngayon
ReplyDeletek
ReplyDeleteThank you po
ReplyDelete