Ano nga ba ang kultura? Ang kultura ay uri ng pamumuhay.
Noong unang panahon, lahat ng
tao ay may sariling kultura o ang uri ng
pamumuhay. Lahat may iba’t ibang pananaw kung paano sila mamumuhay. Ang unang
kultura ay umsbong noong panahon ng Paleolitiko sa mga tabing ilog sapagkat
marami silang nakukuhang magagandang dulot mula rito. Sila’y wala pang
masyadong karanasan o alam ngunit mayroon naman silang sariling kultura. Ang
pagsasaka ang kanilang hanapbuhay noon at pangingisda. Simple lamang ang
kanilang pamumuhay ngunit ang mahalaga dito ay nabubuhay sila sa maraming
paraan.
Sa panahon ngayon, ano nga ba an gating kultura? Mapapansin
natin na an gating kultura ngayon ay organisado na at maayos. Sa mga politiko,
may mga namumuno at namamahala na katulad ng president at mga mayor sa bawat
lugar. Sa pamilya naman, ang mga magulang natin ay nagtratrabaho para mabigyan
ng edukasyon ang kanilang mga anak. Sa mga estudyante naman, tayo ay nagaaral
ng mabuti at dapat pinapahalagahan natin ang edukasyon. Ang kultura na mayroon
tayo ngayon ay mas maganda na kaysa noon dahil sa kaalaman natin dito sa mundo.
Ngunit, dapat natin pahalagahan at huwag natin sirain an gating kultura ngayon
sa paraan ng hindi pagsunod sa mga batas at napapariwara sa mga bagay na hindi
magaganda dahil ito’y dudulot lang ng masamang pangyayari sa atin. Dapat
mahalin natin itong ating kultura.
No comments:
Post a Comment