Monday, 30 September 2013

Mga Pamana ng mga Sinaunang Asyano

Intorduksyon



Ako nga pala si Sofia Navarro, magaaral mula sa baitang 8- St. Agatha
Itong iyong matutunghayan ay isang proyekto upang mabalik tanaw ang mga ginawa ng sinaunang Asyano na hanggang ngayon malaking bagay na tulong sa ating pamumuhay. Ang mga pinakaimporatanteng bagay na nadiskubre at naimbento na patuloy na ginagamit araw araw. Mahalangang bagay ang pasalamatan at pahalagahan ang mga nagawa ng mga sinaunang asyano, kasi kung hindi nila ito naimbento o nadiskubre, hindi ko na alam kung anong klaseng pamumuhay ang mayroon tayo kung sakaling mangyari ito.  Marapat na alagaan at ipagmalaki ang mga ito.

Ang Paggamit ng Apoy



Noon:
Ito ay natuklasan noong panahon ng paleolitiko kung saan nagsimula manirahan ang mga tao sa mundo. Ito na yata ang pinakamahalagang naimbento o nadiskubre ng mga sinaunang Asyano. Maraming tulong ang pag gamit ng apoy sa ating pamumuhay. Isa rito ay ang pag gamit ng apoy panakot o pantaboy sa mababangis na hayop. Noong panahon, ang mga hayop ay mababangis katulad ng  malaking oso. Sunod, ito’y nagbibigay ng liwanag sa madailim na yungib. Lalong lalo na sa gabi. Ito’y ginagamit para proteksyon sa malamig na panahon sapagkat sila’y nakatira sa malamig na panahon. Lalong lalo na ang pag gamit ng apoy pangluto sa kanilang pagkain. Para matangal ang mga mikrobyo na nakatira sa laman ng mga hayop na kanila’y kinuha. At para mas masarap at malinamnam ang kanilang pagkain.


Ngayon:
Ang pag gamit ng apoy sa kasalukuyan ay napakahalaga. Ito’y ginagamit upang makaluto ng pagkain hanggang ngayon. Ito’y ginagamit sa pangluto upang hindi magkaroon ng sakit ang isang tao dahil sa mikrobyo dala ng laman ng hayop. Ang ginagamit sa panahon ngayon ay ang kalan na ginagamit pangluto. Mainam rin ito gamitin sa mga probinsya. Katulad na lamang na kapag wala kang kuryente sa iyong tirahan , pwedeng magsindi ng kandila gamit ang apoy upang kahit papaano may liwanag sa loob ng iyong tirahan. Ang mga hayop ay sadyang takot sa mga maliliwanag na bagay. Sa probinsya, pwedeng gamitin ito panakot o pantaboy sa mga hayop katulad ang baboy ramo. At sa mga ibang panig ng ating bansa may mga lugar pa rin na matataas dulot nito ang malamig na panahon. Hindi lamang nagtatapos ang kagamitan ng apoy dito kundi marami pa itong nadudulot ng maraming tulong sa ating araw araw na pamumuhay. Dapat ay pahalagahan at ingatan natin ang paggamit ng apoy, hindi ito laruan para laruin pero ito ay ginagamit sa mahahalagang paraan. Nakakasunog ito at dapat natin iwasan ang ganitong trahedya sa paraan ng paggamit ng apoy at kahit ano pang bagay ng maayos.

Ang Kasangkapan: Metal na bronse, tanso, copper



Noon: 
Ito ay natuklasan noong panahon na ng metal. Ito ay napakahalaga sa ating mga tao. Noon, ang ginagamit lang nila ay magaspang na bato a mga gamit at kasangkapan. Nang ito’y matuklasan, mas lalong bumilis at gumaan ang kanilang pang araw araw na pamumuhay. Katulad na lamang ng napabilis ang kanilang pagsasaka dahil sa mas matalim na kagamitang pangbungal sa lupa na gawa sa bronze. Nakatulong rin ang metal sa mga kasangkapang ginamit sa mga digmaan. Nakatulong rin ito sa paggawa ng palamuti. Mahalaga talaga ang pagkakatuklas sa metal dahil kung wala ito, hindi mapapabilis ang pamumuhay ng tao, hindi mapapabilis ang pagunlad ng pamumuhay, at hindi magiging ganito ang ating buhay. 







Ngayon:
 Ngayon, ang metal na ang halos ginagamit ng lahat ng tao. Makikita mo ito kahit saan at kahit kalian. Katulad na lamang ng ating tahanan. May pundasyon an gating bahay na hindi lamang puro bato at semento ngunit meron rin itong metal o bakal. Ang mga gusali na makikita natin kahit saan ay may pundasyon din ng metal. Sa transportasyon, ang mga kotse, trak, tricycle, bike, at iba pa, mapapansin natin na ito’y gawa sa metal. Sa mga ating kagamitan ngayon, mga kasangkapan, puro metal ang makikita natin. Napakahalaga at kapakipakinabang ang mga metal sa napansin natin. Isipin na lamang kung hindi nadiskubre ang metal, anon na lang kaya ang uri ng pamumuhay mayroon tayo araw araw. Hindi lamang diyan natatapos ang kagamitan ng metal kundi marami pang iba. Dapat hindi natin ito isinasantabi kundi dapat natin ito pahalagahan. Katulad ng akala natin ay palaging nandiyan sa ating tabi ang metal, hindi natin alam lahat ng bagay ay may katapusan at ito’y nauubos din. Dapat itago ito at alagaan mabuti.


Ang Sistema ng Pagsusulat



Noon:
Ang sistema ng pagsulat ay umusbong noong kabihasang Sumerian. Napakahalaga ang pagsusulat sa atin. Noong unang panahon, ginagamit nila ang cuneiform, paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian. Naimbento ang cuneiform nang magsimulang magtala ang mga Sumerian ng kanilang labis na produkto mula sa pagsasaka. Ito’y napakahalaga sa kanila upang matala ng mga scribe na mga dalubhasa sa pagsusulat, ang mga batas ng lungsod estado, sa kalakalan, at sa mga panitikan ng Sumerian. Ito ay unang hakbang sa makabuluhang pamumuhay at madaling pamumuhay ng mga sinaunang Asyano hanggang ngayon. Ito’y mas pinaunlad at hanggang ngayon napakahalaga nito sa ating mga tao.


Ngayon:
 Ang sistema ng pagsulat ay napakahalaga sa ating mga tao ngayong kasalukuyan. Ito’y hakbang sa edkuasyon, komyunikasyon, at pansariling kagustuhan. Alam naman natin lahat na ngayo’y pinakakailangan ang pagsusulat sa edukasyon. Ito ri’y ginagamit sa komyunikasyon sa mga taong magkalayo sa isa’t isa. Sa pansariling kagustuhan naman ay, ginagamit ito sa pagpapahayag ng ating damdamin. Isipin na lamang kung hindi naimbento ang sistema ng pagsusulat, ano na kaya ang nangyari sa bawat isa sa atin. Anong klaseng buhay ang mayroon tayo kung wala tayong edukasyon sa paraan ng pagsusulat. Napakahalaga ito sa mga nagaaral, nagtratrabaho at iba pa. Ito ay palaging ginagamit at halos wala man lang nagbibigay ng pasasalamat sa ating mga ninuno dahil sa pagiimbento nila ng sistema ng pagsusulat. Dapat ito’y pahalagahan at dapat hindi lamang natin ito itinuturing maliit kundi ginagamit natin ito sa tamang paraan at hindi sa pakikipagaway o masamang bagay.

Ang Kultura at and Wika

Noon:


Ano nga ba ang kultura? Ang kultura ay uri ng pamumuhay. Noong unang panahon, lahat ng
tao ay may sariling kultura o ang uri ng pamumuhay. Lahat may iba’t ibang pananaw kung paano sila mamumuhay. Ang unang kultura ay umsbong noong panahon ng Paleolitiko sa mga tabing ilog sapagkat marami silang nakukuhang magagandang dulot mula rito. Sila’y wala pang masyadong karanasan o alam ngunit mayroon naman silang sariling kultura. Ang pagsasaka ang kanilang hanapbuhay noon at pangingisda. Simple lamang ang kanilang pamumuhay ngunit ang mahalaga dito ay nabubuhay sila sa maraming paraan. 


Ngayon:
Sa panahon ngayon, ano nga ba an gating kultura? Mapapansin natin na an gating kultura ngayon ay organisado na at maayos. Sa mga politiko, may mga namumuno at namamahala na katulad ng president at mga mayor sa bawat lugar. Sa pamilya naman, ang mga magulang natin ay nagtratrabaho para mabigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak. Sa mga estudyante naman, tayo ay nagaaral ng mabuti at dapat pinapahalagahan natin ang edukasyon. Ang kultura na mayroon tayo ngayon ay mas maganda na kaysa noon dahil sa kaalaman natin dito sa mundo. Ngunit, dapat natin pahalagahan at huwag natin sirain an gating kultura ngayon sa paraan ng hindi pagsunod sa mga batas at napapariwara sa mga bagay na hindi magaganda dahil ito’y dudulot lang ng masamang pangyayari sa atin. Dapat mahalin natin itong ating kultura.
 
Noon:
Ano nga ba ang wika? Wika ang komyunikasyon ng bawat tao dito sa mundo. Kung ito’y wala, paano na lamang tayo makikipagsalamuha sa mga tao dito sa mundo. Noong unang panahon, mayroon din silang wika ngunit hindi natin alam kung anong klaseng wika ang mayroon sila, ang mahalaga lang napapahayan nila ang damdamin nila sa bawat isa. Ang wika ay ginagamit kahit saan at kahit kalian, hindi maari na mamuhay tayo sa mundong ito ng walang wika. Ano na lamang ang saysay ng buhay natin kung wala tayong wika para masabi natin ang mga gusto natin sabihin sa ating kapwa

                               

Ngayon:
Naisip mo ba kung anong klaseng buhay mayroon tayo kung wala ang wika? Malamang tayo ay isang laruan, gumagalaw ngunit walang sinasabi. Ang wika natin ay Filipino. Napakahalaga nito sa ating pamumuhay, hindi lamang sa pamumuhay kundi sa lahat ng bagay. Ito’y paraan ng komyunikasyon sa bawat isa. Ang wika ay nirerespeto at inaalagan. Hindi lamang ito ginagamit para makapanakit ng kapwa nating tao. Dapat ginagamit ito sa magandang paraan tulad na pagsasalita ng Filipino na maayos. Ngayon, ang wika ay marahil na naaabuso na natin, na dapat ito’y ginagamit para sa kabutihan lamang. Ito’y ghinagamit na ngayon para makapanakit ng iba na dapat hindi. Lagi natin dapat tandaan na ang wika ay daan sa matuwid na daan.